Skip to main content

World TB Month Celebration

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang World TB Month sa Sto. Tomas Covered Court, Brgy. Sto. Tomas, Peñaranda.

Dumalo sa aktibidad ang mga kawani ng Brgy. Sto. Tomas kabilang ang mga Brgy. Electives, Brgy. Officials, BNS/BHW, Brgy. Tanod, at iba pang empleyado ng Brgy. Hall, kasama rin ang ilang mga residente ng barangay.

Sa nasabing gawain, tinalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Tuberculosis (TB) tulad ng mga sintomas, paraan ng pag-iwas, kahalagahan ng maagang pagpapatingin, at ang tamang gamutan. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad upang sama-sama nating labanan at maiwasan ang pagkalat ng TB.

Bilang bahagi rin ng programa, nagkaroon ng pamimigay ng libreng X-ray voucher para sa mga participants na nagnanais magpa-check ng kanilang baga, bilang suporta sa maagang pagtuklas at agarang gamutan ng TB.

Maraming salamat sa aktibong pakikilahok ng bawat isa! 💚

#WorldTBMonth
#EndTB
#healthypeñaranda

Click here: https://www.facebook.com/share/p/18NTaBbJGB/

Official Website of Municipality of Peñeranda