World Rabies Day Celebration
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day na may temang “Act Now: You, Me, Community”, nagsagawa ang aming tanggapan, RHU-Peñaranda – Animal Bite Treatment Center (ABTC), ng community education and awareness campaign para sa mga kababayan nating nagpabakuna laban sa rabies.
Layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa kahalagahan ng tamang pangangalaga sa alagang hayop at pagbabakuna upang maiwasan ang rabies—isang sakit na 100% preventable basta’t tayo ay kumilos nang sama-sama. ✨
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa makabuluhang gawain na ito para sa kaligtasan at kalusugan ng ating komunidad
