WALANG PASOK | HULYO 16, 2026
Sa pamamagitan ng kautusan ng ating Punong Bayan Joey Aberin Ramos, suspendido ang klase mula Pre-School hanggang Senior High School sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong Huwebes, Hulyo 16, 2026.
Ang suspensyon ng klase ay bunsod ng nakatakdang power interruption na makaaapekto sa suplay ng kuryente sa bayan, alinsunod sa abisong inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral, magulang, guro, at kawani ng paaralan na mag-ingat at gamitin ang pagkakataong ito upang magsagawa ng mga kinakailangang paghahanda habang isinasagawa ang maintenance at iba pang kaugnay na gawain sa linya ng kuryente.
Para sa iba pang opisyal na anunsyo at mga kaugnay na update, mangyaring bisitahin at sundan ang opisyal na Facebook Page ng Pamahalaang Bayan ng Peñaranda at MDRRMO Peñaranda. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon. Manatiling ligtas!
![]() | ![]() |
CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/18oeBnRG7N/

