WALANG PASOK BIYERNES, SEPTMEBER 26, 2025
Bagaman wala pang nararanasang pag-ulan, nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa buong Nueva Ecija at mga karatig-lalawigan. Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), minabuti ng ating Punong Bayan Joey Aberin Ramos na ikansela ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan bukas, Setyembre 26, 2025, bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdating at posibleng hagupit ng #BagyongOpong.
Gayunpaman, magpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng modular learning activities upang manatiling produktibo ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga tahanan.
Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit na pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, mag-ingat, at sumubaybay lamang sa mga opisyal na abiso mula sa Lokal na Pamahalaan.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1Aj3uHzK64/