Skip to main content

Update on COVID-19 Vaccination Program “Resbakuna Peñaranda” As of May 4, 2021


Total number of COVID-19 Vaccine doses administered:
📌1st dose (unang turok)
👉A1: 151
👉A2: 150
👉A3: 62
📌2nd dose (pangalawa/huling turok)
👉A1: 10
Ang priority list po ay batay sa inilabas ng gobyerno na naglalayong bakunahan ang most vulnerable at most at risk population. A1 po ang mga healthworkers/frontliners;
A2 ay ang mga senior citizens at ang A3 ay mga adult
(18-59 years old) na may mga sakit.
Kung kayo po ay rehistrado na, abangan po ang iskedyul sa ating BHW/BNS o hintayin ang text o tawag mula sa mga kawani ng RHU.
Patuloy po ang paglilista o registration para sa mga nais magpabakuna. Maaring magpunta sa ating barangay o di kaya sa RHU o bisitahin ang FB page ng Resbakuna Peñaranda.
Sa kadahilanang limitado ang supply ng bakuna laban sa COVID-19 sa buong bansa, hindi po natin kayang bakunahan ang lahat ng mabilisan.
Ang bakuna ay dagdag na sandata laban sa COVID-19. Patuloy nating labanan ang pandemya sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pag-iwas sa pagpapakalat ng fake news ukol sa bakuna laban sa COVID-19. Sumunod sa minimum public health standards at sumangguni agad sa doktor o BHERT kung mayroong nararamdamang sintomas tulad ng ubo,lagnat,sipon,nawalan ng pang-amuy o panlasa,lubos na nanghihina, o nagtatae.
Maraming salamat po!

Official Website of Municipality of Peñeranda