Skip to main content

Tree Planting Activity | National Disaster Resilience Month 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026 na may temang “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag sa Bagong Pilipinas,” nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Peñaranda ng Tree Planting Activity noong July 10, 2026 sa Riverside, Brgy. Callos, Peñaranda, Nueva Ecija.
Nakiisa sa aktibidad ang Peñaranda Water District, Bfp Peñaranda Station, at ang aming partner Civil Society Organization (CSO), ang Saint Francis Chapter, PGBI Peñaranda, sa sama-samang pagtatanim ng mga puno bilang bahagi ng ating commitment sa environmental protection at disaster resilience.
Higit pa sa simpleng pagtatanim ng puno, layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga ng ating riverbanks, mabawasan ang epekto ng soil erosion at pagbaha, at mapalakas ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, nakatutulong din tayo sa pagpapalakas ng climate resilience ng ating komunidad.
Patunay ang gawaing ito na kapag nagkakaisa ang mga ahensya ng pamahalaan at mga partner organizations, mas marami tayong magagawa para sa kalikasan at sa kaligtasan ng ating komunidad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtatanim ng pag-asa at pagkilos para sa isang mas luntian, mas ligtas, at mas matatag na Peñaranda.
 
 
Official Website of Municipality of Peñeranda