Skip to main content

Tanggapan ng National Irrigation Administration

Ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija sa pangunguna ni Kgg. Joselito A. Ramos, Punong Bayan, Kgg. Fermin D. Francisco Jr., Pangalwang Punong Bayan kasama ang buong Sangguniang Bayan ang taus pusong pasasalamat sa Tanggapan ng National Irrigation Administration at kay Kgg. Loren Legarda Senador ng Republika ng Pilipinas sa pagbibigay katuparan sa matagal ng pangarap ng mga mamamayan lalo na ng mga magsasakang taga Peñaranda. Isang kongkretong kalsada sa kahabaan ng Daang Patubig(NIA Canal)
Nagsimula ang lahat sa SB Resolution No.19 S. 2019 na naglalaman ng kahilingan para sa Funding Assistance na magmumula sa Tanggapan ng NIA. Naging katuwang sa puntong ito ang Tanggapan ni Senadora Legarda na siyang naging daan upang magdagdagan ang pondong inilaan para sa proyekto.
Nagpapaabot din si Mayor Joey Ramos ng pasasalamat sa DPWH Nueva Ecija 2nd Engineering District na siyang naatasang magpatupad ng nasabing proyekto.
“Ang Bayang pinamumunuaan ng mga tapat hindi mang-aangkin ng kredito para lang sumikat!”
[ngg src=”galleries” ids=”278″ display=”basic_thumbnail”]
Official Website of Municipality of Peñeranda