Ang Tanggapan Pambayang Agrikultura ay magpapalabas ng abiso kaugnay ng nakatakdang pamamahagi ng 25-0-0 Fertilizer, Humi-N Liquid Nitrogen Fertilizer, at Biofertilizers sa mga kwalipikadong farmer-beneficiaries. Ang pamamahagi ay 8:30AM-11:00AM Morning Schedule, Afternoon Schedule: 1:00PM-3:30PM.
PAALALA:
Hinihiling po sa lahat ng farmer-beneficiaries na sumunod sa kanilang itinakdang araw at schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan, mahabang paghihintay, at pagkakaantala sa proseso ng pamamahagi.
Para naman po sa mga farmer-beneficiaries na hindi personal na makakadalo at pagpapadala ng authorized representative, kinakailangang magdala ng Authorization Letter kasama ang photocopy ng valid ID ng farmer-beneficiary at photocopy ng valid ID ng authorized representative.