Skip to main content

Purok Kalusugan x Medical Mission sa Las Piñas

Ngayong araw, Setyembre 06, 2025, matagumpay na naisagawa ang Purok Kalusugan Program sa Gymnasium ng Brgy. Las Piñas, Peñaranda.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Pan Acer Golf Club Inc. sa kanilang imbitasyon sa Lokal na Pamahalaan ng Peñaranda LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda), na kinatawan ng aming tanggapan RHU-Peñaranda at ng SB on Health, Konsehal Sonny “Boyong” Reyes, upang maging katuwang sa isinagawang Medical Mission sa naturang barangay.
Dahil dito, isinabay din po namin ang Purok Kalusugan Program, na nagbigay-daan upang mas marami pang mamamayan ang nakinabang sa mga serbisyong pangkalusugan.
Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating mga Barangay Officials, sa pangunguna ng Punong Barangay Jhon Wesley Coliflores, kasama ang kanilang mga kagawad, BHWs, at BNS, sa walang sawang suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito.
Sa pagtutulungan ng bawat isa—mula sa LGU, RHU, DOH, pribadong sektor, at komunidad—nagiging posible ang pagkakaroon ng mas malusog na Peñaranda.

Official Website of Municipality of Peñeranda