Purok Kalusugan Activity
Ngayong araw ay matagumpay na isinagawa ang Purok Kalusugan Activity sa Sto. Niño Gym, Brgy. San Josef, Peñaranda bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng aming tanggapan na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, naiparating ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kalusugan, family planning, at kaalaman tungkol sa TB. Nagkaroon din ng libreng check-up, libreng VIA screening, at iba pang serbisyong pangkalusugan upang mas mapangalagaan ang kapakanan ng bawat pamilya.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta—lalo na sa ating Barangay Officials, Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga residente na patuloy na nakikiisa para sa isang mas malusog na komunidad. 💚
Patuloy nating palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat purok.
#purokkalusugan2026
#SerbisyongPangkalusugan
#healthycommunity
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1K6tXG1jCi/














