Pre-Emptive Evacuation Update | Penaranda, Nueva Ecija
Bilang bahagi ng ating pag-iingat at paghahanda sa banta ng Super Typhoon “Uwan”, nagsagawa ngayong araw ang MDRRMO, MSWDO, BFP, at PNP katuwang ang mga kawani at opisyal ng mga barangay ng pre-emptive evacuation mula umaga hanggang hapon.
Kasalukuyang nasa ligtas na lugar na ang ating mga evacuees sa mga barangay hall at designated evacuation centers ng San Josef, Callos, Sinasajan, Las Piñas, Poblacion III, Poblacion IV, at sa Municipal Evacuation Center sa Poblacion II.
Patuloy ang ating bayanihan at pagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Peñarandino.
Manatiling alerto, makinig sa opisyal na abiso, at iwasan ang pagbalik sa mga delikadong lugar hangga’t hindi ligtas.
#UwanPH
#PeñarandaMDRRMO
#BayanihanParaSaKaligtasan
#DisasterPreparedness
#PreemptiveEvacuation
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BMXftmdGc/









