Skip to main content

Postponed po ang schedule ng Brgy. Pob. I at II sa Sunday, Sept. 19,2021 malilipat po sa Sept. 20,2021

BASAHIN PONG MABUTI at INTINDIHIN
Schedule ng pag-aapply sa National ID mula SEPTEMBER 20-25, 2021, sa Peñaranda Municipal Hall, Brgy. Sinasajan.
⚠️Importanteng gawin at sundin ang mga ito:
👉WEAR FACEMASK/FACESHIELD
👉SOCIAL DISTANCING
👉SANITIZE YOUR HANDS
SUNDIN ang mga nakasaad sa pag-aayos sa PILA , 1st, 2nd at 3rd lane(First come, First serve basis).110 applicant lamang ang mabibigyan ng numero, mga 7:00am darating ang mga taga PSA para pangasiwaan ang ayos ng pila.
👉MGA DAPAT TANDAAN
🔴1. Tanging mga residente lamang na naka-schedule sa araw na iyon (Barangay schedule) ang papayagan na makapagparehistro.
🔴2. 110 REGISTRANTS lamang po ang quota kada araw. Ito lamang ang bilang na kayang iproseso ng machines para sa pagkalap ng inyong mga biometrics at detalye.
🔴3. Magdala ng kaukulang mga ID’s na hinihingi ng Philsys na makikita sa larawan.
🔴4. Sundin ang minimum health protocols na pinaiiral.
🔴5. Kung Hindi umabot sa quota, bumalik na lamang sa araw kung kailan naka-schedule ang inyong Barangay.( 2-3 months o hihigit pa ang programang itong mamalagi dito)
🔴6. HINTAYIN ang ANUNSYO para sa schedule ng IBA PANG MGA BARANGAY.
🟢Sa mga requirement po ang mga taga PSA ang magdedecide kung pwede o di-pwede. Hindi po ang PAGE na ito ang makakasagot sa tanong ninyo tungkol sa mga requirement.
Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat.

Official Website of Municipality of Peñeranda