PASASALAMAT MULA SA AMING PUSO ❤️
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Mobile Blood Donation na ginanap ngayong Agosto 14, 2025 sa Rural Health Center ng Peñaranda.
Salamat po sa 79 successful blood donors na naghandog ng kanilang dugo upang magligtas ng buhay. Para naman sa mga hindi nakapasa sa screening, huwag po tayong mawawalan ng pag-asa—sana sa susunod ay muli po kayong sumubok. Maraming salamat din sa lahat ng nagbigay ng oras at dumalo, kahit na mainit ang panahon at nasabayan pa tayo ng power interruption.
Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang AFP – Rio Chico personnel, Members of Guardians/PGBI, Atty. Emmanuel Santiago (School Administrator ng NEUST-POC) at mga guro na buong pusong sumuporta sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga estudyante, LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) employees na naghandog din ng kanilang dugo, at higit sa lahat, ang mga mamamayan ng Peñaranda na naglaan ng oras at puso upang mag-donate.
Pasasalamat din sa ating MAYOR Joselito “joey” Ramos sa kanyang buong suporta sa aming programa, at sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Vice Mayor Genefer De Guzman Aves. Gayundin, sa Nueva Ecija Provincial Health Office sa pagpapadala ng kanilang kinatawan, at sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGMRMC) bilang aming katuwang sa naturang programa.
Lubos din ang aming pasasalamat sa pangunguna ng aming Municipal Health Officer, Dr. XJ Bautista at ng aming Medical Technologist, Bb. Marivie Cenon, na may hawak sa programang ito, kasama ang lahat ng RHU staff at HRH staff na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Ang inyong kabutihan at malasakit ay patunay na ang “Peñaranda, Sama-sama, Dugong Handog, Hatid ay Pag-asa” ay tunay na nabubuhay sa ating komunidad.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!

Please click link for more:
https://www.facebook.com/share/p/1CAcKu87n2/