Skip to main content

Pagbisita ng “Task Force ALIS(Anti-Langaw Infestation Services)” sa mga Poultry at Puguan

Tuloy-tuloy ang pagbisita ng “Task Force ALIS(Anti-Langaw Infestation Services)” sa mga POULTRY at PUGUAN sa ating Bayan. Dalawang(2) poultry nanaman ang nabigyan ng suspension order ngayong hapon, ang TARAKI AGRO-INDUSTRIAL FARM CORP. sa Brgy. Callos at Ambata Farm na inuupahan ng LUZON AGRIVENTURE INC. sa Brgy. Las Piñas sa dahilan na hindi maisaayos ang pagpuksa sa mga langaw ng kanilang lugar. Ang task force ay binubuo ng LAHAT NG EMPLEYADO ng LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) sa pangunguna ni Mayor Joey A. Ramos, kasama sina Vice-Mayor Fermin D. Francisco Jr., Sangguniang Bayan Members, at ang PNP. Patuloy pa din ang gagawing inspection ng task force sa mga maghaharvest na poultry na nasasakupan ng ating Bayan.
📷ctto
[ngg src=”galleries” ids=”302″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Municipality of Peñeranda