Skip to main content

FREE 15-HOUR THEORITICAL DRIVING COURSE

Pagbati para sa lahat ng mga mamamayan Ng Peñaranda! Wala ka bang Driver’s License? Tara na at makilahok sa programa Ng ating mga lingkod-bayan. Muli nanamang isasagawa Ang Programa na Drivers Assistance Program ng ating minamahal na Punong Bayan Joselito A. Ramos, sa pakikipagtulungan sa LTO Region III.
Ang FREE THEORETICAL DRIVING COURSE ay gaganapin sa February 17-18 | 2024| 8:00AM sa New Municipal Gym, Poblacion II, Peñaranda, Nueva Ecija. Kung kaya’t ang lahat Ng Walang Driver’s License na 16 years old pataas ay inaanyayahang dumalo sa nasabing programa. Magdala lamang Ng PSA/VALID ID. Magdala rin po Ng CP (De keypad or Touch screen) Magsuot Ng Pantalon, T-shirt/Poloshirt Maaaring magpalista sa Office of the Mayor para sa inyong slot, o iscan/i-click ang link. https://forms.gle/Vu9qgGpH1axBe6UNA
Kasama sa programa at maaaring dumalo ang mga may Student Permit na ipoproseso para sa Nonprofessional Driver’s License. At ang lahat Ng dadalo para sa FREE THEORETICAL DRIVING COURSE ay makakatanggap ng FREE ACCIDENTAL INSURANCE. Maraming Salamat po.

Official Website of Municipality of Peñeranda