PAALALA SA PUBLIKO (JULY 21, 2026)
Alinsunod sa abiso ng NEECO II–Area 2 hinggil sa nakatakdang power interruption, ipinag-utos ni Mayor Joey Aberin Ramos ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Miyerkules, Hulyo 22, 2026. Sa halip, ipatutupad ang Modular Learning sa lahat ng apektadong paaralan.
Dahil sa inaasahang init ng panahon at kawalan ng kuryente:
- Uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration.
- Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, lalo na mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM.
- Magsuot ng magagaan at preskong damit at manatili sa maaliwalas na lugar kung maaari.
- Bigyang-pansin ang mga bata, nakatatanda, buntis, at may karamdaman dahil mas madaling maapektuhan ng matinding init.
- Huwag mag-iwan ng nakasinding kandila o anumang bukas na apoy upang maiwasan ang sunog habang walang kuryente.
- Panatilihing fully charged ang inyong mga cellphone at emergency lights bago ang nakatakdang power interruption.
- Manatiling kalmado, maging handa, at ugaliing unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BMV5DQ9rq/