Skip to main content

Nueva Ecija COVID-19 Update

Magandang balita mga Novo Ecijano.

Umabot na sa 277 ang mga idineklarang nakarekober mula sa COVID-19 sa lalawigan matapos na madagdag ang 111 noong August 28, 2020.

Sa datos ng DOH-NE na iniulat sa Nueva Ecija Inter-Agency Task Force sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali, 58 sa mga ito ay mula sa Cabanatuan City, 7 ay mga residente ng bayan ng Aliaga, 5 ay mga naninirahan sa Bayan ng San Isidro, 5 din sa mga ito ay taga Cabiao, ang 4 ay nakatira sa San Jose City, 4 din sa mga ito ay naninirahan sa Bayan ng Bongabon.

Tatlo sa kanila ay mula sa Bayan ng Jaen, 3 din sa kanila ay mga residente ng Gabaldon, tig-2 naman sa mga Bayan ng San Antonio, Santa Rosa, Talavera, San Leonardo, Peñaranda, General Mamerto Natividad, Sto. Domingo at Lungsod ng Gapan.

Tig-iisa naman ang gumaling sa bayan ng Guimba, Quezon, Rizal, Zaragoza, General Tiñio at Lungsod ng Palayan.

[ngg src=”galleries” ids=”13″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Municipality of Peñeranda