NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH 2026
Tema: “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas”
Nakikiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Peñaranda sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026.
Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala na ang kahandaan sa sakuna ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan, kundi pananagutan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, maagap na paghahanda, at sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang kakayahan ng ating komunidad na maging ligtas, matatag, at handa sa anumang uri ng panganib.
Sa buong buwan ng Hulyo, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa mga programa at aktibidad na isasagawa ng MDRRMO bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026.
Sama-sama tayong maghanda at kumilos para sa isang mas ligtas, mas matatag, at mas panatag na Bagong Pilipinas.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CziArtuxV/