Skip to main content

NALALAPIT NA PO ANG PAGBUBUKAS NG LIBRENG X-RAY sa ating bayan!

Naideliver na po ang brand new unit ng X-Ray machine at DR panel na gagamitin sa ating Pagamutang pambayan (Rural Health Unit) ngayong araw ng Marso 1,2024. Ito ay isang proyektong isinakatuparan ng ating butihing Mayor Joselito “Joey” Ramos sa pamamagitan ng pondong nailaan na nagkakahalagang 2.9 million pesos.
Sa lalong madaling panahon ay iaayos na ang pagpapa-accredit sa FDA at iba pang requirements para sa pagsisimula ng serbisyong “LIBRENG X-RAY” sa panguguna ng Municipal Health Office ng Peñaranda

Official Website of Municipality of Peñeranda