MONITORING NG PEÑARANDA RIVER AT IBA PANG DALUYAN NG TUBIG
MONITORING NG PEÑARANDA RIVER AT IBA PANG DALUYAN NG TUBIG
Patuloy ang isinagawang monitoring ng MDRRMO Peñaranda sa Peñaranda River at iba pang daluyan ng tubig sa ating bayan.
Bagaman nagpapatuloy ang maulang panahon dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), nananatiling mababa at nasa ligtas na antas ang lebel ng tubig sa mga minomonitor nating daluyan ng tubig sa kasalukuyan.
Batay sa pinakahuling Heavy Rainfall Warning No. 34 ng DOST-PAGASA, alas-11:00 AM, August 9, 2026:
ORANGE WARNING LEVEL– Peñaranda, San Leonardo, General Tinio, Jaen, Santa Rosa, Zaragoza at Licab, Nueva Ecija.
RED WARNING LEVEL – Gapan City, San Isidro, Cabiao at San Antonio, Nueva Ecija.
YELLOW WARNING LEVEL – iba pang bahagi ng Nueva Ecija, kabilang ang Cabanatuan City, Palayan City, Bongabon, Gabaldon, Laur, General Mamerto Natividad at iba pa.
Associated Hazard: FLOODING in flood-prone areas. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor sa kondisyon ng panahon at mag-abang sa susunod na rainfall warning.
Patuloy ang 24/7 monitoring at pagbabantay sa lagay ng ating mga ilog, sapa at iba pang daluyan ng tubig upang agad na makapagbigay ng kaukulang impormasyon at babala sakaling magkaroon ng pagbabago sa water level.
Manatiling alerto, lalo na ang mga residenteng nakatira sa mabababang lugar at mga lugar na prone sa pagbaha.
Patuloy na mag-ingat at mag-abang sa mga opisyal na updates.