Skip to main content

MOBILE BLOOD DONATION SA RHU PENARANDA!

December 11, 2025 (Huwebes)
🕣 8:00 AM – 2:00 PM
📍 Rural Health Center, Poblacion I, Peñaranda

Sa pangunguna ng aming tanggapan Rural Health Unit of Peñaranda at sa pakikipagtulungan ng LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) na pinamumunuan ni MAYOR Joselito “joey” Ramos, muling magsasagawa ng Mobile Blood Donation Activity ngayong Disyembre 11, 2025!

Inaanyayahan po namin ang lahat na maging bahagi ng makabuluhang programang ito.

ANG BAWAT SUCCESSFUL BLOOD DONOR AY MAKKAATANGGAP NG 10 KILONG BIGAS🎁 (Donated by Konsehala Amir Ramos ❤️️)

💉 Mga Benepisyo ng Pag-dodonate ng Dugo:

✅ Nakakatulong sa kalusugan ng puso at sirkulasyon
✅ Nababawasan ang panganib sa ilang karamdaman
✅ May libreng blood screening at health check
✅ Isang makabuluhang paraan ng pagtulong sa kapwa

🩸 Sino ang pwedeng mag-donate ng dugo?

✔️ 16–65 yrs old (16-17 yrs old kailangan ng consent ng guardian)
✔️ May timbang na hindi bababa sa 50 kg
✔️ May sapat na tulog (6–8 oras)
✔️ Walang iniinom na gamot o iniindang malubhang karamdaman
✔️ Walang sipon, ubo, o lagnat
✔️ Hindi uminom ng alak sa nakalipas na 24 oras
✔️ Hindi pa nagpa-tattoo o body piercing sa loob ng 12 buwan

Higit sa lahat, sa simpleng pag-donate ng dugo, makaliligtas tayo ng buhay at makakapagbigay pag-asa sa mga nangangailangan. ❤️

👉 Tara na at makiisa!
👉 Be a hero. Donate blood. 🩸✨
📞 Para sa dagdag na kaalaman, makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan o sa mga BHW/BNS ng inyong barangay.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1SfLKk4Xck/

Official Website of Municipality of Peñeranda