Skip to main content

MOBILE BLOOD DONATION ACTIVITY

MOBILE BLOOD DONATION ACTIVITY
October 23, 2025 (Thursday)
8:30 AM – 4:00 PM
New Municipal Hall, Peñaranda, Nueva Ecija
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross-Nueva Ecija Chapter, ang aming tanggapan Rural Health Unit Peñaranda, sa suporta ng LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) sa pangunguna ni MAYOR Joselito “joey” Ramos, ay muling magsasagawa ng Mobile Blood Donation Activity para sa lahat ng mamamayan ng ating bayan!
Hinihikayat namin ang lahat ng mamayan ng Peñaranda na maging bayani sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo! Ang bawat patak ng dugo ay may kakayahang makapagligtas ng hanggang tatlong buhay.
Mga Benepisyo ng Pag-dodonate ng Dugo:
Nakakatulong sa kalusugan ng puso at sirkulasyon
Nababawasan ang panganib sa ilang karamdaman
May libreng blood screening at health check
Isang makabuluhang paraan ng pagtulong sa kapwa
Tara na! Ibigay ang iyong dugo, pag-asa, at buhay para sa kapwa. Sama-sama tayong magkaisa para sa isang malusog at makataong komunidad.
#DonateBloodSaveLife

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17Kv7axBiz/

Official Website of Municipality of Peñeranda