Mobile Blood Donation
PAANYAYA
Ang aming tanggapan ay taos-pusong nang-aanyaya sa lahat ng mga kababayan na makiisa at makibahagi sa gaganaping Mobile Blood Donation na isasagawa sa darating na:
Abril 03, 2025 (HUWEBES)
8:00 AM hanggang 2:00 PM
Rural Health Center ng Peñarada
Sa temang:
“Peñarada, Sama-sama, Dugong Handog, Hatid ay Pag-asa”
Ang simpleng donasyon ng dugo ay maaaring maging daan upang makapagligtas ng buhay. Hinihikayat naming ang mga malulusog at may pusong handang tumulong na lumahok sa makabuluhang gawaing ito para sa kapwa.
Maghandog ng dugo, maghatid ng pag-asa. Sama-sama tayong maging bayani!
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa RHU Peñaranda o mga Barangay Health Workers (BHW) sainyong barangay.