Mensahe ng Pasasalamat
Isang matagumpay na Free Eye Consultation ang isinagawa sa Barangay Health Center ng Callos, na pinangunahan ng aming tanggapan – ang Rural Health Unit (RHU) ng Peñaranda, sa buong suporta ni MAYOR Joselito “joey” Ramos at ng Pamahalaang Bayan ng Peñaranda LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda).
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng GoodSam Nueva Ecija Eye & Laser Clinic, sa pamumuno ni Dr. Recivall Salongcay (Vitreo-Retina Specialist), kasama ang kaniyang dedikadong mga staff, na buong puso ang paglilingkod para sa kalusugan ng paningin ng ating mga kababayan.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa Barangay Callos, sa pangunguna ng ating Barangay Captain Eladio M. Salvador at mga Barangay Officials, lalo na sa mga BHW (Barangay Health Workers) at BNS (Barangay Nutrition Scholars) na naging aktibong katuwang sa maayos na daloy ng programa.
Ang ganitong inisyatibo ay patunay ng ating sama-samang hangarin na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamayan ng Peñaranda.
