Skip to main content

Mensahe mula sa ating Punong Bayan, Hon. Joselito A. Ramos

Ang Pamahalaang Bayan ng Peñaranda ay buong pusong nakikiisa sa Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR-SIA/VAS). 💉🩺
👨‍👩‍👧‍👦 Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong barangay mula 🗓️ Agosto 10 hanggang Agosto 28.
✅ Libreng bakuna laban sa tigdas (measles) at rubella 💉
✅ Libreng Vitamin A supplementation para sa mga kwalipikadong bata 🧡
📍 Para sa iskedyul ng pagbabakuna sa inyong barangay, maghintay lamang ng aming opisyal na anunsyo. Maaari rin kayong makipag-ugnayan sa Rural Health Unit (RHU) Peñaranda o sa inyong mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs) para sa karagdagang impormasyon.
👶 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Peñarandino. Protektahan natin sila laban sa tigdas (measles) at rubella sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
❤️ Magpabakuna. Magpa-Vitamin A. Protektado ang bawat batang Peñarandino!
 
Official Website of Municipality of Peñeranda