MDRRMO Peñaranda conducted Earthquake Simulation Drill and Fire Drill on July 3, 2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026 na may temang “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas,” nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Peñaranda, katuwang ang Bfp Peñaranda Station ng Earthquake Simulation Drill at Fire Drill noong July 3, 2026 sa tanggapan ng Peñaranda Water District upang palakasin ang kahandaan ng mga empleyado sa pagtugon sa lindol, sunog, at iba pang emergency.
Bago ang actual simulation, nagsagawa muna ng orientation at briefing ang MDRRMO at BFP upang maipaliwanag ang mga tamang safety procedures at mga hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Tinalakay rin ang kahalagahan ng pagiging handa at ang tamang pagtugon sa iba’t ibang emergency situations.
Matapos ang briefing, isinagawa ang Earthquake Simulation Drill, kung saan aktibong nakilahok ang mga opisyal at empleyado ng Peñaranda Water District sa tamang pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold”, maayos na evacuation, at pagtitipon sa itinakdang assembly area.
Sinundan ito ng Fire Drill, kung saan nagsagawa ang BFP–Peñaranda ng lecture at demonstration sa tamang paggamit ng fire extinguisher at iba pang basic fire safety practices. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga empleyado na magsagawa ng hands-on activity upang mas maging handa sa oras ng sunog at iba pang emergency.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na pinapalakas ng MDRRMO Peñaranda at BFP–Peñaranda ang disaster preparedness at response capability ng mga tanggapan at komunidad upang maging mas ligtas, handa, at resilient sa anumang sakuna.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EucYH8eD9/