Matagumpay na naihatid ang mga evecuees
Ngayong umaga, matagumpay nating naihatid sa kani-kanilang mga tahanan ang mga evacuees, at buong pasasalamat tayo sa Panginoon na ligtas tayong nakalampas sa banta ng Super Typhoon “PEPITO”. Habang tayo ay nakahinga nang maluwag, hindi natin nalilimutan ang mga kababayan nating nasalanta sa ibang bahagi ng bansa—patuloy ang ating mga panalangin para sa kanilang kaligtasan at pagbangon.
Ang MDRRM Office ay taos-pusong nagpapahayag ng pasasalamat sa walang sawang suporta ng ating MDRRMC Chairman, Mayor Joey Aberin Ramos , at sa ating mga katuwang na tanggapan—MSWDO, RHU, MEO, MENRO, Penaranda Pnp Ne , BFP R3 Peñaranda Fire Station II Penaranda Station , Matapat at Matatag Battalion – 70th Infantry at sa lahat ng Brgy. Chairman ng bawat barangay at kanilang mga kawani.
Maging sa mga masisipag na kawani ng Office of the Mayor na nag-alay ng kanilang serbisyo sa pagtugon sa sakuna—isang malaking pasasalamat sa inyong lahat.
Maraming salamat po, at patuloy tayong maging mapagmatyag at handa sa harap ng anumang hamon. Sama-sama, laging handa para sa kaligtasan ng bawat isa.
#PepitoPH #MDRRMO #ThankYouLord
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1BACokUSyW/