Skip to main content

MARAMING SALAMAT, PEÑARANDA!

Taos-pusong nagpapasalamat ang aming tanggapan at ang LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) sa napakamatagumpay na Blood Donation Drive ngayong araw!
98 SUCCESSFUL DONORS ang buong pusong nagbahagi ng kanilang dugo—isang napakalaking tulong para sa ating mga kababayan.
Dahil sa inyong sama-samang suporta, naabot muli natin—sa ikalawang pagkakataon—ang 1% population blood donor target para sa taong ito!
Lubos ang aming pasasalamat kay MAYOR Joselito “joey” Ramos sa pangunguna at buong suporta, kay Vice Mayor Genefer De Guzman Aves at sa Sangguniang Bayan.
Special thanks kay Konsehala Amir Ramos sa pag-donate ng 10 kilong bigas para sa bawat successful donor at sa kanyang buong suporta para sa programang ito.
Pinapasalamatan din namin ang aming katuwang na Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa kanilang patuloy na pakikipagpartner sa aming tanggapan.
Isang malaking saludo sa PNP, BFP, LGU employees, Brgy. Officials, BHW/BNS, at lahat ng mamamayan ng Peñaranda na nakiisa upang magkaroon tayo ng sapat na supply ng dugo.
Patunay ito ng tunay na pagkakaisa at bayanihan ng ating bayan.
Dahil sa inyong sama-samang suporta, naabot muli natin—sa ikalawang pagkakataon—ang 1% population blood donor target para sa taong ito!
Maraming salamat po sa inyong oras, malasakit at suporta.
Mabuhay ang Peñaranda!

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/171B3krYmo/

Official Website of Municipality of Peñeranda