Manila Bay Clean Up Drive | Sept. 25, 2021

📍 (274m) Lacuna St.(Slaughter House area), Brgy. Poblacion IV.

👉 Ang paglilinis o pagpulot ng mga PLASTIC BAGS, CUPS, PLASTIC/GLASS BOTTLES, FACEMASK/FACE SHIELDS at mga basurang hindi NABUBULOK na nasa mga kalsada, parke, at mga pampublikong lugar. Programa ito ng National Government na tinatawag na “MANILA BAY CLEAN UP DRIVE.” Kasali po tayo, dahil ang ating Peñaranda River ay isa sa mga ilog na dumadaloy patungong Manila Bay. Sa panahon ng tag-ulan ang mga basurang ito ay maaaring tangayin ng tubig mula sa mga kanal patungo sa ating ilog.

☝Kaya po maki-isa tayo sa programang ito, itapon/ilagay ang inyong mga basura sa tamang lalagyan. Sa lugar naman na pinagtatapunan ng mga dumadaan sa ating Bayan, ang mga Barangay po sana magkaroon ng mahigpit na panuntunan tungkol dito. Hindi lang po ang Manila Bay ang malilinis pati na ang ating Peñaranda River at ating mga kapaligiran.

Our Location

Emergency Hotlines

  • FIRE STATION
    •  
  • POLICE STATION
    •  
  • MDRRMO
    •  

Copyright © 2020. Municipality of Peñaranda, Province of Nueva Ecija. All rights reserved. Powered by
Official Website of Municipality of Peñeranda