Skip to main content

Manila Bay Clean Up Drive | May 8, 2021

📍 (846m) Peñaranda Bridge to Sta. Rita Chapel, Brgy. Sinasajan
👉 Ang paglilinis o pagpulot ng mga PLASTIC BAGS, CUPS, PLASTIC/GLASS BOTTLES, FACEMASK/FACE SHIELDS at mga basurang hindi NABUBULOK na nasa mga gilid ng kalsada ang isang programa ng National Government. Kasali po tayo, dahil ang ating Peñaranda River ay isa sa mga ilog na dumadaloy patungong Manila Bay. Sa panahon ng tag-ulan ang mga basurang ito ay maaaring tangayin ng tubig mula sa mga kanal patungo sa ating ilog.
☝Kaya po maki-isa tayo sa programang ito, itapon/ilagay ang inyong mga basura sa tamang lalagyan. Sa lugar naman na pinagtatapunan ng mga dumadaan sa ating Bayan, ang mga Barangay po sana magkaroon ng mahigpit na panuntunan tungkol dito. Hindi lang po ang Manila Bay ang malilinis pati na ang ating Peñaranda River at ating mga kapaligiran.

Official Website of Municipality of Peñeranda