Skip to main content

MAHALAGANG PABATID! Kindergarten Enrollment Update!

Magandang araw po!

NEW AGE CUT-OFF FOR INCOMING KINDERGARTEN

Para po sa kaalaman ng lahat, lalo na po sa mga magulang o tagapag-alaga ng mga batang mag-eenroll sa Kindergarten, naglabas po ang Department of Education (DepEd) ng bagong cut-off sa edad.
Batay sa pinakabagong panuntunan ng DepEd:
✅Ang mga batang nais mag-enroll sa Kindergarten ay kailangang limang (5) taong gulang na bago ang Oktubre 3 ng kasalukuyang taon ng pasukan.
✅Tinatanggap din po ang mga batang maglilimang (5) taong gulang muka Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31, basta’t nakatapos sila ng Day Care (Pre-K)/ Early Childhood Care and Development (ECCD) program na kinikilala ng Day Care Center o accredited na ECCD provider.

Mga kinakailangang dokumento:
• PSA Birth Certificate
• ECCD Checklist form (para sa mga late 5-year-olds)
• Barangay Certificate (kung kinakailangan o walang PSA)
• Diploma from Day Care

Para sa karagdagang impormasyon, maari po kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan o bumisita sa paaralan.

Joyjoy DelaCruz
Maria Carmela Geronimo
Gin Francisco Ramos
Mga guro sa Kindergarten

Jannette Penson Padolina
School Principal

Maraming salamat po!

Official Website of Municipality of Peñeranda