Skip to main content

LIBRENG TB MASS SCREENING (FREE CHEST X-RAY)

🫁 MAGPA-SCREEN NA!
Bahagi ng patuloy na adbokasya ng LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) para sa kalusugan ng mamamayan, ang Rural Health Unit (RHU) ng Peñaranda ay magsasagawa ng TB Mass Screening.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong maagang matukoy, maagapan, at mapigilan ang pagkalat ng Tuberculosis (TB) sa ating komunidad. Ligtas, mabilis, at libre ang screening na ito.
📅 Petsa: June 24 (Miyerkules)
🕗 Oras: 8:00 ng Umaga
📍 Lugar: Sa tabi ng Barangay Hall ng Poblacion Uno sa Palengke
🎯 Target Participants: 150 katao lamang
✅ INAANYAYAHAN ANG MGA RESIDENTE NG MGA SUMUSUNOD NA BARANGAY:
• Poblacion 1
• Poblacion 2
• Poblacion 3
• Poblacion 4
• Brgy. Sto. Tomas
• Brgy. Sinasajan
🔍 Sino ang hinihikayat na magpa-screen?
• Senior Citizens
• May Diabetes
• Household Contacts ng TB Patient
• Mga Naninigarilyo
• 4Ps Members
• May Ubo nang Higit sa 2 Linggo
• Nakakaranas ng Night Sweat o Hapon/Gabing Lagnat
• Biglaang Pagbaba ng Timbang
• Dating Nagpagamot ng TB
💚 Mahalaga ang Maagang Deteksyon!
Ang maagang pagpapasuri ay susi sa maagap na paggamot at pag-iwas sa pagkalat ng TB.
📢 PAALALA: Ito ay UNANG BATCH PA LAMANG ng ating TB Mass Screening. Para naman sa mga residente ng ibang barangay na hindi nabanggit, mangyaring maghintay lamang ng opisyal na anunsyo mula sa Rural Health Unit kung kailan isasagawa ang susunod na batch sa inyong lugar.
🫁 LIBRE ang Chest X-Ray!
🎯 150 slots lamang para sa unang batch kaya’t maagang pumunta upang makasali sa screening.
📌 Para sa mga gustong magpalista, makipag-ugnayan lamang sa mga BHW o BNS sa inyong barangay para sa karagdagang impormasyon at pagpapatala.
Sama-sama nating wakasan ang TB sa ating bayan!
Official Website of Municipality of Peñeranda