Skip to main content

Mahalaga ang pagbabakuna laban sa COVID-19

Kaagapay ng mask, iwas, hugas at airflow, mahalaga ang pagbabakuna laban sa COVID-19. Ating siguruhing protektado ang lahat kabilang na ang mga kabataan!Kaagapay ng mask, iwas, hugas at airflow, mahalaga ang pagbabakuna laban sa COVID-19. Ating siguruhing protektado ang lahat kabilang na ang mga kabataan!
Sa pagbibigay ng Philippine FDA Emergency Use Authorization sa
bakunang Pfizer para gamitin sa mga batang edad 5-11 taong gulang, nagkaroon ng tsansa ang mga kabataan na maging protektado laban sa COVID-19. Bagamat parehong brand ng bakuna para sa mga edad 12 taong gulang pataas, mas mababang vaccine dose ang ibibigay sa mga ito. Ang
bakuna ay dumaan sa masusing pagsusuri ng ating mga dalubhasa upang masigurong ito ay ligtas at mabisa laban sa COVID-19. Tulad ng benepisyo ng bakuna sa matatanda, ang bakunang ito ay
magbibigay sa mga kabataan ng:
 Proteksyon sa pagkaospital at pagkamatay dahil sa COVID-19;
 Proteksyon sa komplikasyon kahit ng banayad na COVID-19 at
COVID-19 na walang sintomas (asymptomatic);
 Mas ligtas na balik-eskwela (face-to-face classes) at pagkikita ng
pamilya at kaanak; at
 Proteksyon sa mga kabataang hindi pa maaaring bakunahan (tulad ng mga batang edad 4 taon gulang pababa)
Ang bakunang ito ay ligtas ding ibigay sa mga kabataang may karamdaman o comorbidities. Karamihan sa mga reaksyon sa bakuna ay banayad lamang tulad ng sakit sa bahaging tinurukan, pananamlay, sakit ng ulo, at lagnat.
Karaniwan itong gumagaling sa loob ng 24 hanggang 48 oras. Ang bakuna ay libreng ipinamamahagi ng ating pamahalaan upang masigurong ligtas at protektado ang lahat laban sa COVID-19.
Ang pagresponde sa pandemyang ito ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno. Pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa bawat isa ang kailangan upang tuluyan nating mawakasan ang COVID-19!
Kaya mga Nanay, Tatay, at Tagapagalaga ng mga bata, sama-sama, tulung-tulong, ating wakasan ang COVID-19! Ipabakuna na ang ating mga anak!
#BandilyoScript #DOH #ResbakunaKids

Official Website of Municipality of Peñeranda