INTERNATIONAL HIV CANDLELIGHT MEMORIAL 2026
Ngayong araw, nakiisa ang aming tanggapan Rural Health Unit Peñaranda kasama ang LGU Peñaranda (Local Government Unit – Peñaranda) sa paggunita ng International HIV Candlelight Memorial 2026 — isang makabuluhang okasyon upang magbigay pugay, magpalaganap ng kaalaman, at patuloy na labanan ang stigma tungkol sa HIV/AIDS.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa rin ang aming tanggapan ng LIBRENG HIV Screening para sa mga empleyado ng munisipyo at ilang OJT students mula sa NEUST-POC upang maisulong ang isang ligtas, malusog, at HIV-aware na workplace at komunidad. 

Layunin ng gawaing ito na hikayatin ang maagang pagpapasuri, tamang kaalaman, at pagkakaroon ng malasakit sa bawat isa. Ang HIV test ay kumpidensyal, ligtas, at isang mahalagang hakbang para sa ating kalusugan.
Sama-sama nating ipakita na ang pag-aalaga sa kalusugan ay walang diskriminasyon. 