Good News Novo Ecijanos! 101 Total Recovered Cases of COVID-19
Magandang balita mga Novo Ecijanos!
Umabot na sa 101 ang naitalang nakarekober mula sa COVID-19 sa lalawigan dahil sa 26 na bagong nadagdag sa bilang ngayong araw, July 28, 2020.
Ito ang magandang balitang inulat ng DOH-NE sa Nueva Ecija Inter-Agency Task Force sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali.
Sa tala ng DOH-NE, 15 sa mga gumaling ay taga Cabanatuan City na kinabibilangan nina patient #85, 40 years old, lalaki, isang dealer; patient #88, 41 taong gulang, lalaki, isang utility; patient #102, 18 taong gulang, babae; patient #103, 75-anyos, babae; patient #104, 43 years old, babae; patient #110, 45 taong gulang, lalaki; lahat sila ay pawang naninirahan sa Kapitan Pepe Subdivision.
Kabilang din sa mga taga Cabanatuan City na nadagdag sa listahan ay sina patient #82, 46 taong gulang, babae, mula sa Brgy. Bangad; patient #86, 33-anyos, lalaki, isang seafarer, nakatira sa Imelda; patient #90, 48-anyos, babae, isang market vendor, residente ng Magsaysay Norte; patient #96, 37 years old, lalaki, isang welder/installer, nakatira sa Villa Ofelia; patient #117, 62-year old, babae, mula sa Mampulog, Bitas.
Tatlo naman sa kanila ay nakatira sa Magsaysay Norte, ito ay sina patient #99, 15 taong gulang, lalaki; patient #100, 29-year old, babae; at patient #101, 15-anyos, lalaki.
Pasok din sa listahan ng mga recovered patient ang dalawang residente ng Talavera na sina patient #78, 70-anyos, lalaki, taga Maestrang Kikay at patient #79, 23-year old, lalaki, naninirahan sa Matias; dalawa din sa mga ito ay nakatira sa Santa Rosa na sina patient #93, 46 taong gulang, babae, mula sa San Pedro at patient #94, 55-anyos, babae, mula sa San Isidro.
Kabilang pa sa mga gumaling ay sina patient #67, 55-anyos, lalaki, isang seafarer, residente ng Buliran; patient #83, 43-anyos, lalaki, isang security guard, taga Landig, Cuyapo; patient #89, 45-year old, lalaki, isang mainline supervisor, taga San Juan, Aliaga; patient #91, 30 taong gulang, lalaki, isang seafarer, naninirahan sa Pinanggaan, Jaen; patient #92, 50-anyos, lalaki, isang seafarer, taga Doña Lucia, Quezon; patient #107, 32-anyos, lalaki, isang seafarer, nakatira sa Carmen, Zaragoza; at patient #133, 63 taong gulang, babae, mula sa Malapit, San Isidro.-ulat ni Jovelyn Astrero