For Farmers Who will be Planting this Summer, you Can Go to our Office from Tomorrow, November 19, 2020 from 9 Am to 12 Noon

Magandang araw po!

Para po sa mga magsasaka na magtatanim ngayong tag-araw maaari na po kayo pumunta sa aming opisina simula bukas November 19, 2020 mula alas 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali lamang po ang itinakdang oras upang kumuha ng binhi.

Maari na pong pumunta ang ating magsasaka kahit anong Barangay ang inyong bukid dito po sa Penaranda. Dirediretsyo na po ang aming pamimigay ng libreng binhi pwera po pag araw ng BYERNES.

Ang mga binhi na inyong pagpipilian ay ang mga sumusunod:

NSIC RC 222
NSIC RC 216
NSIC RC 480
SL-20h

Kung ang gustong binhi ng magsasaka ay SL-8h ay sa darating pa po na katapusan ng November o unang linggo ng December. kaya po kung gusto po ninyo antayin ay magpopost po ulit kami kung available na po ang SL-8H.

Magsuot po kayo ng face mask at face shield kapag kayo ay pupunta sa aming tanggapan. Maraming salamat po!

Our Location

Emergency Hotlines

  • FIRE STATION
    •  
  • POLICE STATION
    •  
  • MDRRMO
    •  

Copyright © 2020. Municipality of Peñaranda, Province of Nueva Ecija. All rights reserved. Powered by
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!