Skip to main content

Evacuation Center Update

November 10, 2025
Matapos matiyak na ligtas na ang kanilang mga lugar, naihatid na pauwi ang mga pamilyang pansamantalang nanuluyan sa ating evacuation center. Bago sila tuluyang makabalik sa kanilang mga tahanan, ipinamahagi muna sa kanila ang mga relief packs bilang tulong at suporta sa epekto ng nagdaang kalamidad.

Ang ligtas at maayos na operasyon ng pagpapauwi sa mga evacuees ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Rural Health Unit (RHU), Philippine National Police (PNP), Municipal Engineering Office (MEO), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Taos-pusong pasasalamat kay Hon. Mayor Joey Aberin Ramos sa kanyang patuloy na pangunguna, malasakit, at suporta sa mga hakbang ng pamahalaang lokal upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Peñarandeño sa panahon ng sakuna.

CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/1A4duBPbtQ/

Official Website of Municipality of Peñeranda