COVID-19 UPDATE in the Municipality of Peñaranda as of March 23, 2021

Ang Bayan ng Peñaranda ay kasalukuyang may 27 na aktibong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ang 24 sa kanila ay mga close contacts na positibo sa ginawang swab test noong nakaraang mga araw. Sila ay walang sintomas maliban sa dalawa. Ang dalawa sa kanila ay inirefer sa ospital dahil sa pagbaba ng lebel ng oxygen sa katawan (desaturation). Ang isa ay taga Sinasajan din na 30 taong gulang na babae at kasalukuyang nanatili sa ating Municipal Isolation Unit simula noong sya ay maswab at kalauna’y makumpirmang positibo sa Covid-19.Ang partial lockdown sa bahagi ng Brgy. Sinasajan ay nananatili. Ang 2 nman sa kanila ay mag-asawang nakatira sa Poblacion II. Silang dalawa ay nagkaroon ng sintomas ngunit ang isa ay nkaadmit ngayon sa isang pribadong hospital upang mas maayos na mabantayan at mapabilis ang kanyang pag galing.

Samantala, isang COVID-19 SOUTH AFRICAN VARIANT ang naitala sa Brgy. Poblacion II. Agad na nagpulong ang Barangay Officials sa pamumuno ni Kapitan Fracisco Ladores at kinatawan ng ating EXECUTIVE OFFICE ng LGU,SB on Health, RHU,MDRRMO, BPLO, GSO, AT DOH nurses. Alinsunod sa napagpulungan, agad na ipinasara ang Padilla St.habang tinutukoy pa ang mga close contacts ng pasyente. Walang sintomas ang pasyente at dumating sa bayan natin noong Marso 19,2021.
Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng disinfection sa mga lugar na di umanoy napuntahan ng pasyente.
Higit po tayong mag-ingat at manatili sa tahanan,sumunod sa iba pang minimum public health standards (social distancing, face shield at masks, cough etiquette) at ireport sa BHERTS o barangay officials kung mayroong mahalagang impormasyon.

Patuloy pa din po ang ginagawang DISINFECTION mula kahapon.
Salamat po!

Our Location

Emergency Hotlines

  • FIRE STATION
    •  
  • POLICE STATION
    •  
  • MDRRMO
    •  

Copyright © 2020. Municipality of Peñaranda, Province of Nueva Ecija. All rights reserved. Powered by
Official Website of Municipality of Peñeranda