
COVID-19 UPDATE in the Municipality of Peñaranda as of March 19, 2021
Source: RHU Peñaranda and IATF NE
Ang bayan ng Peñaranda ay may kasalukuyang 5 na kumpirmadong kaso ng COVID-19. Isang 30 y.o na babae na may mild na sintomas, isang 56 y.o na lalaki na nakaramdam din ng mild na sintomas, ang 29 y.o na babae ay asymptomatic, isang 34 y.o na lalaki na mayroon din mild na sintomas at ang 31 y.o. na lalaki na asymptomatic.
Lahat sila ay residente ng brgy. Sinasajan at under strict home quarantine. Patuloy na minomonitor ng tanggapan ng RHU katuwang ang DOH nurse, Brgy. Officials at BHERT ang mga nasabing pasyente. Nagkaroon na ng pagpupulong ngayong araw ang nasabing Barangay na dinaluhan din ng ating Municipal Administrator, mga kinatawan ng RHU, PNP, BFP, MDRRMO, DA at iba pang tauhan upang pag-usapan at ipatupad ang mga safety protocols at iba pang nararapat gawin sa barangay ng Sinasajan. Ang lahat ng close contacts mula 1st generation hanggang 3rd generation ay nasuyod na ng ating mga Contact Tracers at inabisuhan na silang maghome quarantine at self-monitor sa loob ng 14 days. Patuloy na minomonitor ang lahat ng pasyente at close contacts.
Ang lahat po ay pinapayuhan na mas lalong mag-ingat, sundin ang Minimum Health Standards at magpabakuna ng COVID-19 vaccine kapag ito ay dumating na sa ating Bayan.
Maraming salamat po!
[ngg src=”galleries” ids=”73″ display=”basic_thumbnail”]