Skip to main content

COVID-19 UPDATE in the Municipality of Peñaranda as of August 12, 2021

Source: RHU Peñaranda and IATF NE
Ang bilang ng aktibong kaso ng ating bayan sa COVID-19 ay umakyat na sa 9 na kaso. Sila ay kasalukuyang naka quarantine at lahat ay may banayad na sintomas.
Samantala, 1,126 indibidwal na ang sumailalim sa libreng Rapid antigen test (RAT) simula Abril 26,2021. 101 dito ay positibo (9% positivity rate).
43 sa 101 ay nananatiling aktibo kaya sila ay naka quarantine pa rin. Sila ay hindi Kumpirmadong kaso dahil hindi pa sila nagCOVID RTPCR test (confirmatory test) ng COVID-19.
Ang contact tracing ay ginagawa sa kanilang lahat -9 aktibo confirmed at 43 suspetsang may COVID-19. Lahat ng close contacts ay sumasailalim sa RAT lalo na kung may sintomas.
Tumaas ang panganib ng COVID-19 sa ating bayan ngunit nananatili ang pag-asa lalo na sa maganda pagtanggap ng COVID VACCINE sa ating munisipyo. 3,750 ang nakakumpleto na ng 2nd dose samantalang 3,040 ang may 1st dose.
Ang pagiging aktibo ng buong pamayanan lalo ng BHERT sa paghahanap ng mga may sintomas ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Ang mga tao ay hinihikayat na UMIWAS sa mataong lugar, at paglabas kung hindi importante. Kung lalabas,ifollow ang minimum public health standards.

Official Website of Municipality of Peñeranda