Skip to main content

COVID-19 UPDATE in the Municipality of Peñaranda as of Apri 9, 2021 | 7:00PM


Mga barangay na nagtala ng kumpirmadong COVID-19:
📌Sinasajan – 1
📌Poblacion II – 5
📌San Josef – 5
📌Sto. Tomas- 11
📌Poblacion IV – 5
📌Las Piñas – 1
👉KABUUANG BILANG – 28
Dalawampu ay nasa bahay for home quarantine, lima ay nasa ospital, at tatlo ay sa temporary treatment and monitoring facility ng bayan.
Minarapat ng butihing Mayor Joselito A. Ramos na panandaliang isara (temporary closure) ang ating Munisipyo at pambayang pagamutan (rural health unit)dahil sa naitalang pitong empleyado na nagpositibo sa swab test.
Sa 28 na positibo, isang tao lamang ang walang malinaw na travel history kaya ito ay tinututukan. Dalawa sa kanyang close contacts ay negatibo sa virus.
🙏Mayroon ding naitalang dalawang kababayan na namatay sa COVID-19. Sila ay namalagi sa ospital ng ilang araw ngunit binawian ng buhay kahapon at ngayong araw.
Patuloy pong ipagdasal po ang ating mga kababayan lalot higit ang mga sumakabilang-buhay dahil sa sakit na ito.
Ang mga kaso natin ay nakukuha kundi sa trabaho ay sa paglabas nang di naman kailangan. Mabilis maihawa ng isang positibo ang kanyang katrabaho at ka-pamilya.
Sumunod sa minimum public health standards at manatili sa ating bahay kung maaari.
Maraming salamat po!

Official Website of Municipality of Peñeranda