Skip to main content

Mobile Blood Donation

Nag papasalamat po ng marami ang Rural Health unit sa patuloy na pag bibigay oras sa pag dodonate ng dugo, ramdam po namin ang inyong kagustuhan na makapag donate ng dugo dahil hindi po naging hadlang ang lakas ng ulan para po tayo ay makatulong sa ating mga kababayan. Ako po ay sobrang nag papasalamat at nagagalak sapagkat nakuha po natin ang target na 100 successful blood donors, nanghihingi rin po ako ng pasensya sa mga nais pa po mag donate ngunit naabutan na po ng cut off, sa susunod po sisiguraduhin po namin na lahat po ay maaccommodate ❤️ Maraming salamat po Mayor Joey Aberin Ramos Vice Mayor Fermin Francisco Jr. at sa ating mga Konsehal na palaging nakasuporta sa programang pangkalusugan❤️ sa ating BHW at BNS sobra po ang aming pasasalamat dahil kitang kita ko po yung effort po ninyo na maghanap ng donors MABUHAY po kayo!❤️ sa staff po ng LGU Peñaranda, BFP, PGBI, Tau Gamma Phi, at sa lahat po ng mga volunteers maraming salamat po sa pag bibigay ng oras, RHU staff maraming salamat po sa tulong ng bawat isa lalo na po sa ating masipag na Doktora XJ Bautista at sa ating Nurse ng Bayan na always ready to help Konsehal Sonny Boyong Reyes maraming salamat po❤️
Kayo po na blood donors ay maituturing na makabagong BAYANI sapagkat ang pag tulong po sa kapwa ng walang hinihinging kapalit ay maituturing na bayani, kaya hinikikayat po namin ang bawat isa na mag patuloy po sa inyong kabayanihan upang marami pa po tayong matulungan. Thank you so much po and God bless❤️
Official Website of Municipality of Peñeranda