Skip to main content

COMMUNITY-BASED IMMUNIZATION (CBI) para sa mga batang 6-7 taon at 12-13 taong-gulang

Ang ating Munisipyo sa pangunguna ng Tanggapan ng Kalusugan(RHU) ay magdadaos ng COMMUNITY-BASED IMMUNIZATION (CBI) para sa mga batang 6-7 taon at 12-13 taong-gulang. Sila ay bibigyan ng bakuna laban sa MEASLES, RUBELLA, TETANUS at DIPHTHERIA na BOOSTER DOSES ng mga bakunang naibigay noong sila ay sanggol.
💉Bukod dito, magbabakuna rin ng COVID-19 Vaccine para sa edad 18 pataas upang masigurado natin ang proteksyon sa nakamamatay na virus na ito. Ang Bayan natin ay WALA ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 simula noong Oktubre 27, 2021. Hinihikayat ang lahat ng tao na magpabakuna upang bumalik na sa NEW NORMAL ang ating bansa.
🗓 Ang mga tauhan ng RHU ay bababa sa Barangay para sa CBI at Mobile COVID-19 Vaccination magkakaroon ng hanggang sampung(10) fixed posts at ito ang iskedyul ng pagpunta:
Brgy. San Mariano | Nov. 07, 2021(Linggo)
Brgy. Sto. Tomas | Nov. 08, 2021(Lunes)
Brgy. Sinasajan | Nov. 09, 2021(Martes)
Brgy. San Josef  | Nov. 10, 2021(Miyerkules)
Brgy. Pob.I,II,III,IV | Nov. 11, 2021(Huwebes)
Brgy. Callos | Nov. 12, 2021(Biyernes)
Brgy. Las Piñas | Nov. 15, 2021(Lunes) 

Official Website of Municipality of Peñeranda