Skip to main content

CLOSURE ORDER TO GOLDEN ACRES PIGGERY FARM

Noong September 30, 2026, bandang 9:30 ng umaga, nagsagawa ng inspection ang inspection team mula sa MENRO, BPLO, MEO, MPDC, at mga Barangay Officials sa Golden Acres Piggery Farm sa Brgy. San Mariano, Peñaranda, Nueva Ecija.
Sa isinagawang inspeksyon, naobserbahan ang foul at offensive odor na nagmumula sa piggery premises. Napansin din ang liquid waste/wastewater na dumadaloy patungo at dini-discharge sa kalapit na creek, na nagbigay ng seryosong concern sa environment, sanitation, at public health.
Dahil dito, naglabas ang Office of the Municipal Mayor ng Closure Order No. 001, Series of 2026, dated October 1, 2026, na nag-uutos sa Golden Acres Piggery Farm na TEMPORARILY CEASE AND DESIST FROM ITS OPERATION, effective immediately upon receipt of the order.
Ang nasabing hakbang ay isinagawa alinsunod sa mga umiiral na batas, environmental regulations, sanitation requirements, at mga kaukulang municipal ordinances, upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at kapaligiran.
Patuloy ang LGU Peñaranda sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang para sa isang malinis, ligtas, at malusog na komunidad.
 
 
Official Website of Municipality of Peñeranda