Skip to main content

Centernarian Awarding

Naganap muli ngayong araw ang Centernarian Awarding sa ating Bayan. Pinangunahan ni Mayor Joselito A. Ramos, kasama sina Kon. Rina Mercado, mga kawani ng MSWDO, Ma’am Elvira Dela Cruz(OSCA Head) at opisyal mula sa DSWD Region III ang pagkakaloob ng P100,000.00, sertpikasyon ng pagkilala at liham mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Gng. PETRONILA PADERNA ABELLO sa pagkakaabot niya sa edad na 100. Siya ay naninirahan sa Brgy. Poblacion III, Peñaranda, Nueva Ecija, at kasama niyang tumanggap ng gantimpala ay kaniyang kaaanak. Nagkaloob din ng karagdagang P20,000.00 ang Pamahalaang Bayan ng Peñaranda.

Official Website of Municipality of Peñeranda