Skip to main content

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025 na may temang “KUMIKILOS para sa Kahandaan, Kaligtasan at Katatagan”

Nakibahagi ang MDRRM Office ng Peñaranda sa Family Development Session ng DSWD para sa ating mga ka-4Ps mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Ginawa ito noong July 14–17, 2025, at naging pagkakataon para makapagbahagi kami ng mga importanteng paalala at kaalaman kung paano maghanda bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.

Maraming salamat kina Sir Lorenz Salvatierra Magsanoc at Ma’am Peyt Mariano ng DSWD sa mainit na pagtanggap at imbitasyon. Kasama rin nating nagbahagi si Jet Jet Salarda Lumitap, at si Ms. Aly Abesamis, ang ating Nutrition Officer II, na nagpaalala ng kahalagahan ng tamang nutrisyon lalo ngayong ipinagdiriwang din ang Nutrition Month.

✅ Mga paalala para sa lahat:

– Alamin ang evacuation center at evacuation plan ng inyong barangay
– Maghanda ng Go Bag o emergency kit (E-Balde)
– Maging alerto at makinig sa tamang impormasyon
– Makiisa sa mga pagsasanay at orientation
“Prepared families, safer homes, stronger communities.”

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Sama-sama nating itaguyod ang isang resilient na Peñaranda

#NDRM2025
#NutritionMonth2025
#KahandaanKaligtasanKatatagan
#PeñarandaHanda

Official Website of Municipality of Peñeranda