Skip to main content

BAKUNA LABAN SA TIGDAS!

Ipinaaalam ng aming tanggapan, na magkakaroon ng libreng pagbabakuna laban sa Tigdas para sa mga batang may edad 9 months hanggang 4 years , 11 months old na hindi pa nababakukunahan. Ito ay gaganapin ngayong Marso sa iba’t ibang barangay ayon sa itinakdang iskedyul.

Hinihikayat namin ang lahat ng magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maprotektahan sila laban sa sakit na ito.

Para sa karagdagang impormasyon at iskedyul ng pagbabakuna, makipag-ugnayan sa inyong barangay o sa RHU Peñaranda.

Maraming salamat at mag-ingat tayong lahat!

Official Website of Municipality of Peñeranda