Skip to main content

Ano ang HFMD, Foot, and Mouth Disease?

Nitong mga nakaraang linggo nagtatala po tayo ng mga kaso ng mga batang may HFMD sa bayan ng Peñaranda…
ANO ANG HFMD or HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE?
Hindi ito nakababahala ngunit ito ay mabilis makahawa at madalas sa mga batang edad 5 and pababa.
Dala ito ng Coxsackievirus at Enterovirus.
Madalas itong kumakalat sa schools, daycare centers, at sa mga playgrounds or sa mga pagtitipon ng mga bata habang naglalaro.
PAANO ITO NAKUKUHA?
Ang sakit na ito ay naipapasa sa pamamagitan ng alinman sa sumusunod:
1. person-to-person contact
2. respiratory droplets na kumakalat sa pamamagitan ng pag bahing, ubo, or talsik galing sa bibig ng laway habang tayo ay nagsasalita
3. contact sa mga contaminated surfaces (kagaya ng tables, at mga palaruan)
ANO ANG SIGNS AND SYMPTOMS NITO?
1. fever and flu-like symptoms (3-5 days)
2. mouth sores (rashes sa bibig)
3. rashes or butlig butlig sa kamay(palad) at paa (talampakan)
ANO ANG GAMOT DITO?
Bibigyan ang bata ng gamot para sa lagnat, pain ng sores sa mouth, at gamot para sa kati ng rashes. Higit na need din ipatingin pag di makakain o makainom ng tubig o gatas ang ating anak gawa ng mg sores sa bibig.
PAANO PO MAKAKAIWAS DITO?
Dahil ang HFMD ay nakakahawa at mabilis kumalat lalo na sa mga bata, ito ang mga steps na pwede nating gawin..
1. Importante at mabisang intervention ang HAND WASHING (atleast for 20 seconds). Frequent and proper handwashing or pag alcholize ng mga kamay is key.
2. Clean and disinfect surfaces regularly lalo na sa mg lugar na madalas maraming tao (sala, dining area, etc.)
3. Avoid touching eyes, nose, mouth.
4. Iwasan ang close contact lalo sa crowded places ang mga bata.
5. Kung meron sintomas, isolate muna lalo na kung may lagnat pa o Sa loob ng 7-10 days kung diagnosed HFMD na.

Official Website of Municipality of Peñeranda