Skip to main content

Announcement po mula sa BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE(BPLO)

Sarado po ang opisina bukas biyernes, january 7, 2022 sa kadahilanang pag didisinfect ng buong munisipyo. Sa lunes january 10, 2022 na muli ang pagbubukas ng aming opisina upang tumanggap ng bagong application ng business permit. Tuloy din po ang parerenew ng mga expired business permit ng mga may negosyo. Paalala lang po na sa january 20, 2022 ang deadline ng pagrerenew na walang penalty. Ipinaaalala din po na ang pagkuha ng business permit para sa mga nagnenegosyo ay isang “obligasyon” ng bawat negosyante at ang hindi pagtalima ay magdudulot ng problema at pagpapasara ng inyong mga negosyo na “illegal”.. Sa mga magaapply naman po ng business name registration sa dept. Of trade and industry ay hindi na kailangang pumunta pa sa dti-cabanatuan.. Meron na pong opisina ang dti sa ating munisipyo upang tumanggap ng inyong application. Maraming salamat po.

Official Website of Municipality of Peñeranda