Skip to main content

Ang Pamahalaang Bayan ay may Handog na Sim Card Registration Assistance ng Globe at TM Subscribers sa ating Bayan ng Peñaranda

🔴 Ang ating butihing Mayor Joselito A. Ramos, Vice-Mayor Fermin D. Francisco Jr. at mga Sangguniang Bayan Members ay may handog na Sim Card Registration Assistance para sa Globe at TM Subscribers ng mamamayan ng Peñaranda. Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11934 o mas kilala bilang “Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act – sa ilalim ng panukala, ang mga gumagamit ng mobile devices, kabilang ang prepaid at postpaid, ay dapat magparehistro ng kanilang mga SIM card.
📍 Para makapagparehistro, ang bawat isa ay kailangan magdala ng isang government ID at dalhin ito sa Globe Booth na matatagpuan sa Pergola Old Municipal Hall Compound Brgy. Poblacion II mula June 14, 2023 hanggang June 16, 2023, 8:00AM – 5:00PM.📅⏰️

Official Website of Municipality of Peñeranda